P3-M puno ng marijuana sinilaban sa Sarangani

SINUNOG ng mga awtoridad ang mahigit P3 milyon halaga ng tanim na marijuana sa isinagawang operasyon ng militar at PDEA sa Bayan ng Malungon, lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa ulat, limang oras na naglakad at naghanap ang mga kinauukulan hanggang bago narating ang taniman ng marijuana.

Sa nasabing taniman ay natagpuan ang mahigit kumulang 9,000 puno ng fully grown marijuana plants, na ayon sa pagsusuri ng PDEA-Region 12 ay aabot sa P3,690,000 ang market value.

Sinunog ng mga awtoridad ang mga iligal na halaman dahil sa malayo ang nasabing lugar.

Kumuha na lamang sila ng sampol na siyang ipasusuri sa Crime Laboratory Office-12.

Wala namang naabutang may-ari ang mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply