P300M kailangan sa pag-a-upgrade ng Pagasa Islands

KAKAILANGANIN ng P300 milyon pondo para sa pagpapaganda ng Pagasa Islands o Kalayaan Island sa Palawan.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin, bukod sa pier na nais ilagay sa isla, nais din ng pamahalaan na maglagay ng refrigerator na pwedeng paglagyan ng mga isdang ibebenta sa Maynila.

Inaasahan na gaganda ang turismo sa isla sakaling malagyan na ito ng pier.

Nagsimula na nilang talakayin ang plano subalit hindi pa ito umuusad dahil masyadong malaki ang kinakailangang pondo.

Ani Gazmin, malaki ang magiging epekto ng pagpapatayo ng pier sa naturang isla na inaangkin din ng China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply