P42-M pirated DVDs winasak ng OMB

WINASAK ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) ang nasabat na mahigit 300 sako ng piniratang DVDs na nagkakahalaga ng P42 milyon sa harap ng Baguio City Hall, kaninang umaga.

Sinagasaan ng malaking pison ang mga nakumpiskang piniratang DVD na karamihan ay nagmula sa Baguio City Public Market at Session Road, na paninda ng mga Muslim vendors.

Ayon kay Optical Media Board chairman Ronnie Rickets, na sa susunod na linggo ay makikipagpulong ang opisina ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa Muslim community para hikayatin ang mga ito na magbenta ng DVD sa ligal na paraan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply