P5-M pondo hindi pa ubos– prosekusyon

NAGPALIWANAG ngayon si An Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na hindi pa ubos ang P5 milyon pondo at hindi pa naman humihingi ng karagdagang pondo ang prosecution team.

Sinabi ni Noel, chairman ng House Committee on Accounts at isa rin sa mga nangangasiwa sa prosekusyon na hindi pa naman humihirit ng karagdagang pondo ang prosekusyon para gamitin sa nalalabi pang mga paglilitis sa impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.

Reaksyon ito ni Noel matapos sabihin ng Korte Suprema na kakapalan ng mukha at pagsasayang sa ibinabayad ng mga tax payer ang dagdag na pondo na hihiritin pa ng prosekusyon.

Ani Noel, wala pa silang pormal na request para sa dagdag-pondo ng prosekusyon,

Paglilinaw pa ni Noel na ang nauna niyang pahayag ay posibilidad lamang na kailanganin pa ang karagdagang budget ngunit hindi pa naman nagagastos ang buong P5 milyon na unang inilaan para sa gugulin ng prosekusyon.

Maaari naman aniyang ginagamit at pinapalaki lamang ang isyung ito ng depensa at sasagutin lamang niya kung talagang kailangan ng karadagang pondo ang prosekusyon sa oras na maubos na ang P5 milyong budget ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply