P50M pondo ng ARMM nawawala dahil sa ‘ghost employees’

IBINUNYAG ni Regional Governor Mujiv Hataman na mahigit sa P50 milyon pondo ng rehiyon ang nawawala dahil sa mga ghost employee.

Sa isang press conference, matapos ang Ulat sa Bayan sa kanyang ika-100 araw sa pwesto, sinabi ni Hataman na karamihan sa mga empleyado na nakalista sa payroll ay patay na o kaya ay nadoble lang ang pangalan

Binalaan ni Hataman ang mga lokal na opisyal na nagtatago at gumagamit ng mga ghost employee, na kanyang susugpuin ang pamamayagpag ng mga ito sa nasabing rehiyon.

Ipinaliwanag ng gobernador na ang P50 milyon ay karaniwang nakapangalan sa mga patay subalit nailalabas pa rin ang pondo.

Suportado naman nina Senador Teofisto Guingona III at YACAP Partylist Rep. Carol Jane Lopez ang mga binitiwang pahayag ni Hataman, maging ang mga ipinatupad nitong reporma sa ARMM sa loob lamang ng 100 araw.

“Ang kailangan talaga ay political will,” giit ni Guingona.

Si Lopez na naka-base sa General Santos City ang nag-iisang kongresista na dumalo sa Ulat sa Bayan ni Hataman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply