P807.7-M halaga ng illegal drugs sinilaban

SINILABAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng thermal decomposition ang iba’t ibang klase ng droga na may halagang P807.7 milyon sa Cavite kaninang umaga.

Ani PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez Jr., ang mga sinunog ay kinabibilangan ng 22 kilog ng powdered crystal methamphetamine hydrochloride o “shabu”, 206 litro ng liquid shabu, 95 liters ng liquid ephedrine, 186 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba pang droga tulad ng cocaine, heroin at valium.

Ang mga nabanggit na droga ay sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Integrated Waste Management Incorporated (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Sinabi ni Gutierez na ang pagsunog ay iniutos ng korte na may hawak ng kaso sa iba’t ibang droga dahil hindi na ito kailangan bilang drug evidence, Kasama ring sinunog ang ilan sa expired medicines.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply