Pabahay ng REDEVCO: Kostumer inabandona

MAGANDANG hapon po sa iyo, Misyon Aksyon. Minsan na po ninyong tinalakay sa inyong kolum ang naging problema ng mga kostumer na kumuha ng unit sa REDEVCO sa kanilang isang project na tinayuan ng mga unit sa Montalban at ngayo’y Rodriguez Rizal.

Sana po matulungan n’yo ako sa problema ko. Nalaman ko na may natulungan na kayo noong una na tulad ko. Kasi may nakuha akong bahay pero pina-back out ako kasi di nila matapos-tapos ang bahay.

Redevco ang developer at Mediterrenian Heights Phase 2 ang subdibisyon. Limang taon ko na pong pina-follow up sa kanila na ibalik ang ibinayad ko na equity.

Nag-start po akong magbayad ng bahay noong March 2007 hanggang sa matapos at mabuo ko ang equity na umaabot sa 70 thousand pesos. Ang lugar na nakuha ko ay papuntang Montalban sa may Payatas road.

Ang pangalan po ng may-ari ng Redevco ay si Mr. Jayson Pascual na hindi na makita at nag-tatago raw. Kasi nalugi na po at maging si Mr. Lee na siyang isa sa mga may-ari ay wala na rin.

Katunayan po, walang sawa po ako sa kapa-follow up na tapusin na ang bahay. Umabot na po ng mahigit isang taon. Kaso ‘di nila tinatapos hanggang sa magkautang ako sa PAGIBIG kaya ang ginawa ko, inalam ko sa PAG-IBIG kung ano ang dapat kong gawin.

‘Di kasi ako dapat magkautang kasi ‘di pa naman tapos ang bahay. Kaya pinagbigyan nila ako at nag-offer ang PAGIBIG na mag back-out na lang ako para makakuha uli ako ng housing loan.

Nasorpresa po ako nang pinuntahan ko ang bahay na kinuha ko dahil may nakatira na ngayon.

‘Di ko po alam kung bakit may nakakuha rito. Meron po akong mga resibo ng bahay na binabayaran ng asawa ko sa secretary ni Mr. Jayson Pascual. Ipadadala ko po sa inyo.

Meron kasi akong kapitbahay na kasamahan n’yo raw dati sa Abante. ‘Di ko lang po matandaan ngunit  tinulungan na n’yo rin daw siya. Sabi n’ya lumapit daw po ako sa inyo.

Pag ganito po ang sistema na umiiral sa larangan ng ating pabahay dapat po ang pagibig ay maging mahigpit at hindi ka-kutsaba ng mga manloloko. Kasi kawawa naman po kaming mga OFW at mga maliit na mang-gagawa na maghirap pagdating ng araw at nawala na parang bula ang aming pangarap.

Paging REDEVCO Jayson Pascual mukhang lumaki na ang  atraso ninyo  sa mga naging customer ng inyong pabahay… katunayan inulan na naman ang Misyon Aksyon ng reklamo na kahit  tapos na ang ang kanilang Equity sa kanilang unit na kanilang binili ay nakatiwangwang pa hanggang sa ngayon… balita iniwan ka rin ng iyong mga kasosyo dahil sa laki ng inyong iniwang  obligasyon sa inyong mga customer na nag-avail ng pabahay  kaakibat ng Pag-Ibig fund pero ang katotohanan nakuha na ang pera pero ang project na mga bahay ay abandonado na kaya may mga kumukuha ng unit kahit walang mga kaukulan na legal na papeles ay nagsipag squater na… paano naman ang mga nagsipagbayad sa inyo.na  nawala ang kanilang bahay na kanilang nabili….

kay Pag-ibig Chairman ViCe Pres. Jejomar  Binay Sir. Pakiimbistigahan naman po ang REDEVCO inabandona raw po ang kanilang project  kasi  tuluyan ng nabangkarote… paano na po ang mga  nagsipag-avail ng unit na naitakbo na ang pera.samantalang kayo ang may proyektong pabahay? Aba  aksyon na po.!

Bukas po ang aking kolum para sa  inyong panig at kapaliwagan.

Sa susunod po ilalabas po natin ang mga na sangkot  sa kompanyang REDEVCO.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223
EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com,

www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com,

arnelpetil12@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address.

Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin ninyo.

Gumagalang,
Mr. LR

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply