Pabrika ng plastik sa Valenzuela naabo

NILAMON ng apoy ang isang bodega at pabrika ng mga cooler plastic sa Valenzuela City kagabi (Abril 10).

Dahil sa mga naka-imbak na kemikal ay mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula sa ikalawang palapag ng Tyson Industrial Corporation sa kahabaan ng M. Gregorio St, Canumay West ng nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Mel Jose Lagan, hepe ng Valenzuela fire martial, dakong alas-7:44 kagabi nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng nasabing bodega at pabrika

Umabot sa 5th alarm ang sunog at ganap na naapula dakong 11:15 ng gabi.

Tinatayang P16 milyon ang halaga ng nasunog na pabrika.

Wala namang nasugatan sa nasabing sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng arson division at inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply