Pacman binanatan na naman ni Floyd

MULING nanawagan kanina si Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao na tulungan siyang linisin ang boxing.

Ginawa ni Mayweather ang pahayag sa harap ng maraming media habang nagsasanay sa Mayweather Gym sa Las Vegas.

Matatandaang kinasuhan ni Pacquiao si Mayweather sa Estados Unidos dahil sa paninira sa pambansang kamao matapos sabihing gumagamit ito ng performance-enhancing drugs (PED).

“Manny Pacquiao has done a lot in the sport but he should also be standing behind me to clean up the sport,” sabi ni Mayweather.

Sinabi niya na hindi siya nasisiraan ng loob kahit pa pagkatapos ng laban niya kay Miguel Cotto ay makukulong na siya kaugnay ng mga kasong kriminal na isinampa sa kanya ng dati niyang nobya.

“I try to turn a negative into a positive. When I see my family, my team and fans support me it’s motivation. Going to jail can only make me mentally stronger,” pahayag niya.

Dagdag pa ng undefeated fighter, ang dinaranas niya ay pagsubok lamang sa buhay.

“This is just an obstacle. Everyone has their good and bad days,” wika pa ng boksingero.

Samantala, sinabi naman niya na kahit hindi matutuloy ang laban nila ni Pacquiao ay okey lang sa kanya

“I don’t worry about the (Pacquiao) fight not happening. If it was really all about Pacquiao then I wouldn’t have had to fight 42 other opponents. I’d just fight Pacquiao and become the greatest in the world. But it isn’t just about Pacquiao. It’s about everyone I’ve fought,” aniya pa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply