Pacman mananalo kay Bradley — Mayweather

NANINIWALA ang tiyuhin ni WBC Welterweight Champion Floyd Mayweather Jr. na si Jeff Mayweather na hindi mananalo si Timothy Bradley sa bakbakan nila ni Manny Pacquiao sa June 9.

Ayon kay Jeff, ang bansag ni Bradley bilang isang “Dessert Storm” ay hanggang salita lamang.

“At the end of the day, that’s nothing but words,” ani Mayweather. “The fights go on in the ring. There’s never going to be one guy who says he going to lose. So, I mean, that’s just talk.”

Inamin naman ni Jeff na may respesto siya sa kalaban ni Pacquiao ngunit naniniwala itong walang sapat na lakas si Bradley para talunin ang Pambansang Kamao ng Pilipinas.

Aniya, ang kakulangan ni Bradley ng punching power ang siyang magdadala sa undefeated Californian boxer tungo sa kabiguan ngunit dapat pa rin umanong mag-ingat si Pacquiao.

“I don’t think that he (Bradley) has the punching power to prevail. That might be the reason why he doesn’t win,” ani Jeff.

Si Bradley ay mayroong 41% knockout-to-fights ratio ngunit napapansin ng marami na wala itong depensa para kontrahin ang atake ng kalaban.

Sa kanyang laban kay Joel Casamayor (then 38-5-1, 22 KO) ay napatumba niya ang huli ng tatlong beses sa fifth at sixth rounds at isa pa sa eighth a final round kung saan inawat ng reperi ang laban matapos ang pangatlong knockdown.

Nayanig na rin minsan ni Bradley si Lamont Peterson nang minsan magkaharap sila sa opening two stanza bago napaupo uli sa Round 3 ngunit naigapang ang laban tungo sa decision win.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply