Pacquiao gugulpihin ang Russian sparmate

KIKILATISIN ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang bago niyang sparmate na si Ruslan Provodnikov para paghandaan ang laban nito kay si Timothy Bradley, Jr. sa darating na Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang Russian na si Provodnikov ay kinuha ni trainer Freddie Roach para makasuntukan ni Pacman sa Abril 16 sa bubuksang training camp.

Bagong alaga ni five-time Trainer of the Year awardee ang 5-foot-6 at 28 anyos na si Provodnikov na isang light welterweight contender na may magandang record na 21-1-0 win-loss-draw kasama ang 14 KOs.

Makakasama nila Pacquiao, Provodnikov at Roach sa training camp sina strength and conditioning coach Alex Ariza at dating world light welterweight titlist Amir Khan.

Ayon kay Ariza importante sa ensayo ni Pacman ay ang kanyang physical conditioning.

Nakataya ang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt ni Pacquiao laban sa kasalukuyang WBO light welterweight ruler Bradley.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply