Pacquiao hindi balimbing– Koko

SINABI ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi maituturing na balimbing si Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos nitong manumpa sa Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay Pimentel, presidente ng PDP-Laban na hindi naman naging opisyal na miyembro ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP) at Liberal Party (LP) si Pacquiao.

Aniya, nakipagkoalisyon lang daw ang local party ni Pacquiao na Peoples Champ Movement sa mga nabanggit na partido.

“Sa aking tingin yung kagabing oathtaking niya is his first oath-taking in a national party. So paki-double check na lang kung mayroon ba kayong footage na nago-oath siya sa ibang party kasi mukhang wala. So unfair yata yung batikos laban kay Congressman Manny Pacquiao,” paliwanag ni Pimentel.

Isa sa pumuna kay Pacquiao ay si Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino na nagsabi pang hindi dapat sayangin ng Pambansang Kamao ang paghanga sa kanya ng mga Filipino dahil parang nagiging trapo (traditional politician) na ito sa paglipat-lipat ng partido.

Binanggit din ni Palatino ang kaibahan ni Pacquiao kay boxing legend Muhammad Ali dahil kung nabansagan ang huli na “floats like a butterfly, sting like a bee,” ang kinatawan naman ng Saranggani ay “floats like a political butterfly.”

Samantala, kinumpirma naman ni dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, spokesman ng NP, na opisyal na naging miyembro ng kanilang partido si Pacquiao.

“Nagkaroon pa nga ng seremonyas sa Laurel House (NP headquarter sa Mandaluyong). Hindi ko matandaan yung exact date pero alam ko nag-take oath siya as NP member,” wika ni Remulla.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply