Pacquiao hindi nasisindak kay Bradley

NASA kasagsagan ng pag-eensayo si WBO welterweight champion Manny Pacquiao at kahit nakatutok ito sa kanyang paghahanda sa nalalapit niyang laban kontra kay Timothy Bradley Jr. ay may oras pa rin ito sa pagbabasa ng bibliya.

Pagkatapos ng pagpapakondisyon ay nagbabahagi si eight-division world titlist Pacquiao ng mga salita ng Diyos sa mga kasamahan niya sa team Pacquiao at mga fans.

Bukod kina trainer Freddie Roach, conditioning coach Alex Ariza, trainor Buboy Fernandez at bataan na boxer na si Rodel Mayol ay may kasama siyang spiritual adviser sa kanyang eight-week training sa Baguio.

Marahil ay isa sa sinasandalan ni Pacquiao ay ang pagbabasa ng bibliya kaya hindi ito nasisindak sa mala-Mr. Universe contestant na katawan ng 28 anyos na si Bradley.

Undefeated si Bradley sa 28 na laban kung saan ayon sa kanya ay pinaghahandaan niya ng husto si Pacquiao at nais pa nito na talunin agad ang Pambansang Kamao para hindi na umasa pa ng isang rematch.

Sinisimulan na ni Pacquiao ang kanyang high-altitude training sa Burnham Park habang nag-eensayo na rin si Bradley sa California.

Idedepensa ni Pacman ang ikatlong World Boxing Organization welterweight title laban kay Bradley sa MGM Grand sa Las Vegas Navada sa June 9.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply