Pacquiao inumpisahan na ang ensayo sa Baguio

NAG-UMPISA nang magpakundisyon si WBO welterweight champion Manny Pacquiao para sa kanyang eight-week training sa Baguio.

Sa unang linggo ay puro jogging at stretching muna si Pacquiao kung saan ay makakasama niya si conditioning coach Alex Ariza habang si Freddie Roach naman ang kasama sa hapon upang suntukin ang mitts.

Pinaghahandaan ni eight-division world champion Pacquiao ang laban niya kay Timothy Bradley na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas sa June 9.

Pagkatapos ng isang linggong pagpapakundisyon ay sisimulan na ni Pacquiao ang kanyang sparring.

Kahapon bago pumunta ng Baguio si Pacquiao ay nagpapawis muna ito sa MP Tower gym sa Sampaloc, Maynila.

Sinamahan siya ni Buboy Fernandez upang sumuntok sa mitts.

Ang makakasagupang si Bradley ay may malinis na 28 wins kaya naman todo ang ensayo ang ginagawa ni Pacquiao.

Bukod kina Pacquiao, Roach at Ariza, kasama rin nila si Amir Khan na naghahanda rin sa pakikipagsapakan kay Lamont Peterson sa Mayo 19.

Pacquiao inumpisahan na ang ensayo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply