Pacquiao nanguna sa Bible study ngayong Holy Week

NANGUNA sa isang bible study si Sarangani Rep. Manny Pacquiao, bible ambassador ng CBCP, ngayong Holy Week.

Inamin ni Pacquiao na bilang bible ambassador ay bahagi ng kanyang sakripisyo ngayong Holy Week ay manguna sa bible study para sa mga kaibigan at mga kakilala.

Nais maiparating ni Paquiao sa mga tao ang kabutihang naidulot ng pagbabasa ng bibliya sa kanyang buhay, sa kayang pamilya, sa kanyang boxing career at bilang kongresista.

Ipinarating din ng Pinoy ring superstar sa mga kapwa Kristiyano na parating ilagay sa isipan at isabuhay ang mga mabubuting salita ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat.

Muli ring tiniyak ni Pacman ang kanyang kahandaan na maging alagad ng Diyos para ipakalat sa lahat ang magandang mensahe ng Panginoon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply