Pag-aalaga ng ibon malapit sa NAIA ipinagbawal

MULING pina-alalahanan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng mga kalapati at iba pang ibon malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang hakbang ay makaraang pagtibayin ng Sangguniang Panglungsod ang City Ordinance No. 1202, series of 2012.

Sa ilalim nito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng mga kalapati at iba pang uri ng ibon sa loob ng walong milyang radius sa paliparan.

Ayon kay Parañaque Mayor Jun Bernabe, makikipagtulungan ang lungsod sa mga pambansang ahensya at Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagtataguyod ng kaligtasang panghimpapawid na hindi naman makukompromiso ang “bird sanctuary” sa siyudad.

Bukod dito, pinalawak rin ang ‘air safety radius’ mula sa paliparan kaugnay ng prohibisyon sa pag-aalaga ng mga ibon ng mga residente sa lugar.

Ang ordinansa ay dahil na rin sa “bird strike” at ang serye ng aksidente sa runway na nagiging biktima ang mga residenteng malapit sa paliparan.

Ang sinumang lalabag ay papatawan ng multang hindi bababa sa P1,000, subalit hindi lalabis sa P5,000 o parusang pagkabilanggo na hindi naman bababa sa 10 araw ngunit hindi lalagpas sa 30 araw alinsunod sa desisiyon ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply