Pag-pose ng isang bebot sa krus binatikos

BINATIKOS ng isang pari ang ginawang paglapastangan ng isang Filipina na naka-short at nag-pose sa krus na kumakalat ngayon sa Facebook.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director, Fr. Anton Pascual, nalulungkot siya sa kalagayan ng mga kabataan ngayon na tila lumalaki na parang walang paggalang sa mga spiritual na bagay.

Ito ay kaugnay sa isang dalagang Pinay na nagpakuha ng mga posing sa Facebook na hindi kaaya-aya.

Ayon pa kay Fr. Pascual, ipagdarasal niya ang ganitong mga kabataan para mabigyan ng tamang pag-aaral at paggalang sa mga bagay na spiritual tulad ng crucifix para malaman nila na ito ay identity, moral values at paggalang sa relihiyon.

Dagdag pa ni Fr. Pascual na tungkulin din ng mga magulang na turuan ang kanbilang anak ang pananampalataya at tamang asal lalo na sa pananamit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply