PAGASA nagbabala sa pagbaba ng tubig sa mga dam

INIULAT ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ilang dam sa Luzon ang bumababa ang water level.

Ayon sa ulat, sa oras na magpatuloy ang pagbaba ng tubig sa ilang dam ay maaaring humina ang distribusyon ng tubig.

Sa ulat ng PAGASA, umiiral pa rin ang ridge of high pressure area (HPA) sa Luzon na isang tanda na makakaranas pa rin ng mainit na panahon.

Tinatayang papalo na naman sa 35 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila, Central at Northern Luzon, ngayong araw.

Sa Visayas at Mindanao ay makararanas ng maaliwalas na panahon, maliban sa Southern Mindanao na naaapektuhan ng dalang kaulapan ng inter-tropical convergence zone (ITCZ).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply