PAGASA: Pinakamainit na panahon sa MM naitala ngayon

NAITALA ngayong araw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamainit na panahon sa Kalakhang Maynila ngayong taon.

Ayon sa bulletin ng PAGASA kaninang alas-tres ng hapon, pumalo sa 35.9 degrees Celisius ang temperatura sa Metro Manila.

Ito ay mas mataas sa 35.3 degrees Celsius na naitala nitong Abril 12.

Samantala, sinabi rin ng PAGASA na mas iinit pa ang temperatura sa bansa sa pagpasok ng Mayo.

Ayon sa PAGASA, tuwing Mayo naitatala ang pinakamainit na temperatura sa bansa base sa weather history ng ahensya.

Kaninang alas-dos ng hapon, naitala ng PAGASA ang 37 degrees Celsius sa Cabanatuan City, habang 36.5 degrees Celsius naman sa Dagupan at 36 degrees Celisius sa Tuguegarao.

May namataan ding intertropical convergent zone (ITCZ) sa katimugang bahagi ng bansa.

Binabantayan na ito ngayon ng ahensya.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply