PAGASA: Temperatura sa MM papalo pa rin sa 36 degrees Celsius

MATAPOS maranasan ang pinakamainit na temperatura ngayong taon noon kahapon (Abril 24), inaaasahan pang mauulit ang mahigit na 36-degree Celsius na init ng panahon ngayong araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng PAGASA, ang hangin na galing sa Silangangan ang nakapagpapadagdag ng init ng temperatura sa bansa.

“Hindi nakakabuo ang kaulapan kaya hindi maba-block ang init ng araw. Isa pa roon, ang hangin na nararanasan natin sa Luzon ay easterlies galing sa Pacific Ocean. Mainit ‘yan kaya nakakadagdag ng kainitan,” ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong sa panayam sa dzBB.

Dagdag pa ni Quitlong na lalong lumalakas ang ridge of a high-pressure area kaya asahan ang mainit pa ring panahon ngayong maghapon,

Kahapon, naitala ang pinakamainit na temperatura ngayong taon sa Metro Manila na pumalo sa 36.2 degrees Celsius.

Sinabi rin ni Quitlong na sa nationwide scale, ang 38.4 degrees Celsius pa rin sa Clark (Pampanga) ang naitatalang pinakamainit na temperatura ngayong 2012.

Inaasahan din ang 36-degree Celsius sa Metro Manila bukas (Huwebes) at sa Sabado.

Tinatayang papalo din ang 36-degree Celsius sa Tuguegarao ngayong araw habang sa Sabado naman sa Subic sa Zambales at Clark, Pampanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply