Pagawaan ng pekeng pera sa Maynila sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagawaan ng mga pekeng peso bill sa Sta. Cruz, Maynila kahapon (Abril 3).

Ayon sa NBI-Reaction, Arrest and Interdiction Division, isinagawa ang pagsalakay sa LRC Compound, Recto, Sta. Cruz, Maynila kahapon kasunod ng test-buy operation kung saan nakabili ang mga awtoridad ng may 30 piraso ng pekeng P1,000 bill.

Ayon sa BSP, una silang nakatanggap ng impormasyon na isa sa mga bahay sa nabnggit na lugar ang gumagawa ng pekeng Philippine currency.

Sinabi ng impormante, na maraming grupo ang money counterfeiters. Aniya, iba ang nag-iimprenta, iba ang naglalagay ng watermark o security thread at iba rin ang naglalagay ng finishing touches.

Karamihan din aniya sa nagpapabili ng pekeng pera ay mga politiko.

Nabibili ang P1,000 sa halagang P150-300, samantalang nasa P75 hanggang P200 ang pekeng P500.

Nabatid sa BSP na kadalasang inihahalo ang pekeng pera sa mga tunay na pera upang hindi mahalata.

Nakumpiska naman mula sa suspek na si alyas “Monet” ang mga stencil at silkscreen na ginagamit sa paggawa ng mga nilalagay na security features tulad ng iridiscent band kung saan nakalagay ang numerical value ng pera, pati ang watermark kung saan naaaninag ang mga mukha sa pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply