Pagbagsak ng rating ni PNoy dinepensahan

IPINAGTANGGOL ng mga kaalyadong kongresista ang pagbagsak ng net satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, inaasahan na aniya ang pagbaba ng satisfaction rating ng Pangulo lalo pa at papasok na ito sa midterm ng kanyang termino.

Nangyayari aniya ito sa mga nagdaang pangulo ng bansa na kapag pumapasok na ang ikatlong taon sa posisyon ay bumababa ang satisfaction ratings.

Pangunahing nasisilip na dahilan ni Evardone ang serye ng oil price hike na aniya’y hindi naman makokontrol ng Punong Ehekutibo.

Paliwanag pa ng kongresista na ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis ay hindi nauunawan ng publiko, na dinidikta ng international market kaya walang magagawa ang Pangulo hinggil dito.

Subalit ayon naman kay Marikina Rep. Miro Quimbo, mataas pa rin naman ang +49  na porsiyento na satisfaction rating ni Paangulong Aquino na posible aniyang tumaas pa kapag naisapubliko na ang mga accomplishment ng administrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply