Pagbebenta ng ginto sa bansa pinaigting

PINASISIGLA ng pamahalaan ang bentahan ng ginto at iba pang mineral upang hikayatin ang mamimili sa bansa.

Batay sa Revenue Regulations No. 6-2012 na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Abril 2, ipinababa ang pangongolekta ng excise tax at creditable withholding tax sa lahat ng mabibiling ginto at iba pang mineral mula sa mga maliliit na scale miners.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, layunin nitong hikayatin ang mas maraming mamimili ng ginto matapos na pababain ang withholding tax mula sa 10 porsiyento ay magiging limang porsiyento na lamang.

Ang bagong sistemang ito ay inaasahan na makatutulong sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagpapasigla ng bentahan ng ginto sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply