Pagbebenta sa power plants sa Mindanao tinutulan

TINUTULAN nina YACAP Partylist Rep. Carol Jane Lopez at Gabriela Rep. Emmie de Jesus ang gagawing pagbebenta sa mga planta ng kuryente para masolusyonan diumano ang energy crisis sa Mindanao.

Sinabi ni Lopez, na nakabase sa General Santos City, na hindi dapat ibenta sa halip ay dagdagan pa nga ng gobyerno ang mga hydro at coal power plant para mas dumami ang mga player.

Ani Lopez na dumalo sa ika-100 araw ng Ulat sa Bayan ni ARMM Regional Governor Mujiv Hataman na “ito lamang aniya ang paraan upang maresolba ang krisis sa enerhiya at maibaba ang presyo ng kuryente.”

Kumbinsido rin si Lopez na gawa-gawa lamang ang krisis ng enerhiya sa Mindanao dahil pagkatapos ng isinagawang Energy Summit ay 98 porsiyento ng Mindanao ay bumalik na sa normal ang daloy ng kuryente o bihira na ang brownout.

Ani Lopez kung hindi manipulado ang krisis sa enerhiya bakit pagkatapos ng summit meeting na dinaluhan ni Pangulong Aquino ay halos balik na sa normal ang daloy ng kuryente gayung wala pa aniyang nabubuo at naaaprubahang solusyon.

Binatikos naman ni De Jesus ang pagpayag ni Pangulong Aquino na makapasok ang mga pribadong mamumuhunan sa Mindanao at pagsasapribado ng ilang hydro-power plants sa rehiyon.

Aniya mistulang tindero na ang Pangulo na halos ilako ang mga paninda para sa mga kompanya.

Sinabi ni De Jesus na kung seryoso ang Pangulo sa pagbibigay ng solusyon sa krisis sa kuryente sa Mindanao ay wala ng ibang paraan pang dapat na gawin kundi ang pagsasawalang-bisa ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law at hindi ang pagbebenta ng mga power industry sa Mindanao na aniya ay lalong magpapahirap sa mga residente doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply