Pagbili ng pamahalaan ng barkong pandigma binatikos

BINATIKOS ng isang arsobispo ang pagbili ng pamahalaan ng barkong pandigma na magbabantay sa Scarborough Shoal laban sa mga iligal na mangingisda doon.

Ayon pa kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, masyadong mayabang ang pamahalaan sa usapin sa Scarborough Shoal pero bahag naman ang buntot para labanan ang mga nararanasang krisis sa bansa na pinapasan ng mga kawawang maralita.

Ayon sa Cruz, dapat tanggapin ng Pilipinas na mas makapangyarihan ang China dahil hindi umano natin kayang tapatan ang kanilang mga armas at barkong pandigma.

Tinawag ni Cruz na “play station mentality” ang naturang hakbang ng pamahalaan na kunwari’y lumalaban o tinatapatan ang China ngunit sa bandang huli ay hihingi rin naman ng tulong sa Amerikia.

Inihayag ni Cruz na madali lamang ang magyabang at makipaggitgitan sa China pero hindi kaya ng Pilipinas na makipagdigma sa anumang bansa dahil sa kawalan nito ng kakayahan.

Giit ng arsobispo, mabuti aniyang ilaan na lamang ang sasayanging pera sa mga nagugutom na maralita sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply