Pagbubuntis ni Katrina gagawing dahilan sa pagkakatigok ng serye ni Marian

NATAKOT marahil si Marian Rivera sa maaaring maging epekto sa batang dinadala ni Katrina Halili kapag inaway niya ito (May konsensya rin pala siya?) Kaya puro pag-iintindi ang sinasabi ngayon ng reyna elena ng Kapuso. Na kesyo s’ya na lang ang magpapasensya dahil s’ya naman daw ang nakaiintindi. Baka raw pinaglilihian lang siya. Mabuti naman daw kung ganon, at least magiging maganda raw ang facelak ng bata.

Hehehe!

Pero balitang hindi na mae-extend ang airing ng My Giladid dahil sa sitwasyon daw ni Katrina. Maselan daw kasi itong magbuntis at hirap ng gumalaw kaya ititigil na lang ang teleserye kung kaylan ito dapat tigukin sa ere.

Hindi naman daw kasi puwedeng magtuloy-tuloy ito kung wala na ang karakter ni Halili na siyang main villain ni Marianita sa nasabing palabas.

So, kapag ipinilit ni Katring na patayin na ang role niya sa My Gilagid, mapilitan silang tigbakin na ito sa boobtube. May dahilan na sila. Mawawala sila dahil sa pag-alis ng buntis na aktres, hindi ang katotohanang kaya ito magbababu dahil sa kahinaan ng rating kung saan nilalampaso talaga sila ng katapat nilang serye na
“Walang Hanggan” nina Coco Martin at Julia Montes at narami pang magagaling na artista.

***

Mga probinsyano nadismaya sa pagkendeng-kendeng ng aktor

ANG tsismis na ito ay mula sa isa nating reader. Aniya, nadismaya raw sila sa isang aktor mula sa isang big network. Pumunta raw kasi ito sa kanilang lugar kasama ang iba pang cast nang nagtapos na serye sa afternoon slot na bida ang malditang aktres para magpasalamat.

Nung nasa back stage ang aktor, nilapitan nila ito para magpa-autograph at magpa-kodak na rin. Hehehe!

Pero imbes na pagbigyan sila, kumendeng-kendeng muna ito nakipagharutan sa ilang girlita. Panay pa ang tapik nito sa balikat ng mga kausap na chicks. Napanganga raw sila. ‘Di nila lubos maisip na ‘yung tsismis na kabaklaan sa kanya ay true pala.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply