Pagbuhay sa Bataan Nuclear power plant inalmahan

INALMAHAN ni Bataan Bishop Ruperto Santos ang panukalang muling pagbuhay sa Bataan Nuclear power plant kasunod ang nararanasang krisis sa enerhiya sa Mindanao.

Ayon kay Santos, noon pa man ay tutol na ang mga residente ng Bataan sa nuclear power plant at nakikiisa rito ang Simbahang Katolika.

Iginiit pa ng Obispo na dapat matuto ang pamahalaan sa naging karanasan ng Japan lalo na sa Fukushima na maraming namatay dahil sa nuclear power plant.

Dagdag ng obispo, hindi maaaring ikompromiso ang kalusugan ng tao at ng kalikasan.

Nilinaw ni Bishop Santos na maraming paraan na magagawa ang gobyerno upang solusyunan ang problema sa enerhiya tulad ng pagpapaunlad ng renewal energy sa bansa, mga hydro-plant na pinapatakbo ng mga falls.

Sinabi ng Obispo na hindi dapat nakadepende lang ang gobyerno sa independent power producers dahil hindi nito makokontrol ang mga sisingilin ng mga ito sa nakukonsumong elektrisidad o enerhiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply