Pagdakip sa mediaman kinondenan ng NPC, ALAM

KINONDENA ng samahang Alab ng Mamamahayag (ALAM) at National Press Club (NPC) ang pag-aresto sa isang provincial reporter ng anim na miyembro ng Regional Police Public Safety Battalion (RPPSB) sa Zambales kamakailan.

Inihahanda na rin ng NPC at ALAM ang patong-patong na kasong administratibo gaya ng grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of police service at kasong kriminal na arbitrary detention laban sa mga naturang pulis.

Batay sa 105.7 fm broadcaster na si  Apolinario “Poly” Leomo, kinukunan niya ng litrato ang isang “peryahan” o illegal carnival nang bigla na lamang siyang pagsalikupan ng armadong kalalakihan at isinakay sa sasakyan.

Sa kabila aniya ng kanyang pagpapakilala na miyembro ng media ay dinala pa rin siya ng mga nasabing pulis sa headquarters ng mga ito at ikinulong kasama ng anim na iba pang sinasabing operators ng “peryahan.”

Matapos aniyang kunin ang kanyang pangalan ay kinuha rin ng mga pulis ang kanyang camera at binura ang lahat ng kanyang photo files bago ibinalik sa kanya bago pinauwi.

Bandang huli ay nalaman ni Leomo na ang operasyon ng RPPSB sa lugar ay walang koordinasyon sa Zambales PNP headquarters sa  Camp Conrado D. Yap sa kapitolyo ng Iba.

Kaugnay nito, hinihintay na lamang nina ALAM chairman Jerry Sia Yap at ALAM president Berteni “Toto” Cataluña Causing ang sinumpaang pahayag ni Leomo bago nila isampa ang kaso sa tanggapan ng Ombudsman.

Malaki ang paniwala ng Press Club na moro moro; lamang ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng RPPSB.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply