Paghahanda sa 2013 elections ipinamamadali

KINALAMPAG ni Cagayan Rep. Jack Ponce-Enrile ang Commission on Elections  upang madaliin ang paghahanda para sa eleksyon sa 2013.

Sinabi ng kongresista na mahigit isang taon na lamang ang panahong nalalabi sa Comelec sa paghanda sa isang tapat, malinis at mapayapang eleksyon.

Kaalinsabay nito ay nagpahayag ng suporta si Enrile sa desisyon ng Comelec na muling gamitin ang precinct count optical scan (PCOS) technology sa susunod na halalan.

Subalit makabubuti aniya kung maagang matutukoy ng komisyon ang mga dapat baguhin upang ang mga pagkakamali noong 2010 ay hindi na maulit.

Sa Oktubre ay nakatakda nang maghain ng certificate of candidacy (COC) ang lahat ng kakandidato kung kaya marapat lamang na maging malinaw na ang mga hakbang ng Comelec.

Dahil dito, iminungkahi ng kongresista sa komisyon na magsagawa ng PCOS pre-testing na dapat lahukan ng iba at ibang sector upang magkatulong-tulong sa pagtukoy ng posibleng mga dapat baguhin.

Bukod dito, iminungkahi rin ni Enrile na resolbahin ng komisyon ang malawakang vote-buying at iba pang dayaan  sa kampanya kabilang na ang paggamit sa media, airtime sa radio at telebisyon gayundin ang mga depektibong party-list accreditation process.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply