PNP inutil pa rin sa paghuli sa ‘big four’

ARESTUHIN na ang big four.

Ito ang pagkalampag ni Antipolo Rep. Romeo Acop sa Philippine National Police (PNP) dahil hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli sa apat na high-profiled government officials na nasangkot sa iba’t ibang krimen.

Kabilang sa tinawag ni Acop na big four ay sina Retired Major General Jovito Palparan, magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron, Palawan Mayor Mario Reyes at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo.

Ayon kay Acop, malaking sampal kina Pangulong Aquino at PNP Chief Nicanor Bartolome ang pananatiling laya ng apat na wanted na high profile personalities.

Iminungkahi ni Acop na isa ring retiradong heneral sa PNP na magtutok ng apat na team na tutugis kina Palparan, Ecleo at magkapatid na Reyes.

Magkagayunman, aminado si Acop na mahirap hulihin ang magkapatid dahil sa impluwensya ng mga ito.

Matatandaan na si Palparan na  minsan na ring naging kongresista ay wanted sa kaso ng pagdukot sa dalawang UP students, si Ecleo naman ay nagtatago matapos ma-convict sa pagpatay sa kanyang asawa habang ang magkapatid na Reyes ay wanted sa pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply