Pagkababae ni Ara inalipusta ni Cristine Reyes

MATAGAL na raw talagang nagtitimpi si Ara Mina kay Cristine Reyes.

Bilang panganay, sya na lang ang nagpapasensya. Pero dumating ang sukdulan ng kanyang pagtitiis nang pati ang pagkatao ng nakatatandang kapatid ay pinagdiskitahan nitong bunso.

Mas ikinapikon daw ni Ara ang pang-iinsulto sa kanyang pagkababae.

Kung anu-anong mga kababuyan umano ang pinagtetext nito sa kanya at pati sa mga malalapit nilang kaibigan ay ipinagkakalat pa raw ito ng ex ni Rayver Cruz. Kaya hindi lamang yung kakulitan ni Cristine sa paniningil ng utang kay Menang ang ikinainit ng ulo nito to the point na nagsampa siya ng kasong Libel at Grave Coercion sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pati kahinaan ng utak ng panganay ay inalipusta rin. Tinawag pang laos.

Nagkaroon lang ng sariling bahay ay yumabang na itong si Reyes.

Naku, kung anuman man daw  yung ipinaparatang nito kay Ara at least kumita ito, eh, sya, libre?

Sus ginoo! Pag-usapan na lang ‘yan at baka kung anu-ano pa ang maungkat. Kawawa naman ang kanilang magulang na super iyak daw sa pangyayaring ito. Mamaya dyan ipatawag na naman nila ang batikang manghuhula na si Zhalir Jaila at magpatirik na naman ito ng itim na kandila sa gitna ng kanilang walang tubig at nilulumot na swimming pool.

Huwag sabihin ni Cristine na sa kabila ng kadatungan niya ay hindi pa niya napapatubigan ang kanilang pool? Sobra namang pagtitipid yan. Sabagay, hindi na nga pala siya nakatira sa Cainta at may bago na ring tinitirhang bahay ang mabait nilang nanay na pinag-aawayan nila ngayong magkapatid.

***
Kahit daanin sa kwentahan, lamang si Ate Vi kay Ate Guy

Pati mga politiko ay nahahati kina Vilma Santos at Nora Aunor. Maging ang Malacanang ay nasa parting of the red sea din kaya ayaw nilang magkomento tungkol sa kung sino ang dapat gawing National Artist. Hahaha!

Kung hindi ba naman kasi naghain si Bacolod Rep. Anthony Golez ng House Resolution 2317 upang himukin ang Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts na irekomenda sa Malacanang na gawing National Artist si La Aunor ay hindi sana nagkagulo ang lahat.

Mabuti pa si Quezon Rep. Erin Tanada ay pumagitna. Kung bibigyan ng ng parangal si Bulilit bakit hindi nga rin isama si At Vi? Kaya tama ‘yang hakbang mo Ka Erin, ipaglaban mo ang tunay na mabait sa lahat hindi lang sa mga fans na si Queenstar.

Para sa amin, kung magkwentahan ng achievements sina Ate Vi at At Guy, aba’y lamang na ang gobernadora at tuloy-tuloy ang pamamayagpag nito, hindi katulad sa huli na nagpahinga. Pero aminado naman tayo na pareho silang magaling. Iyon nga lamang, kung dadaanin natin sa arithmetic eh, talagang nakahihigit na ang Star for All Seasons.

***

Greta feeling reyna talaga

May isang insidente palang nangyari sa taping ng Princess and I kung saan ang feeling reynang si Gretchen Barretto ay nag-walkout. Natulala raw ang lahat kung bakit ito biglang aalis. Nakabusangot pa raw ang pagmumukha. Lalo tuloy kumapal ang kanyang binotoks na lips. Hehehe!

Nung tinanong daw ito kung bakit siya lalayas, walang kagatol-gatol na sinabi nitong pagod sya kaya kailangan na niyang magpahinga. Aba’y pag ganon ang sagot ng isang reyna, hindi puedeng kwestiyunin ito or else, malilintikan sila sa sandamakmak nitong bodyguards. Hehehe!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply