Pagkahalal ng Pinay sa SoKor parliament ipinagbunyi

IPINAGBUNYI ngayong araw ni Vice President Jejomar Binay ang pagkapanalo ng isang Filipina bilang mambabatas sa South Korea.

Sa isang kalatas, sinabi ni Binay na ang pagkakahalal kay Jasmine Lee, isang Pinay na nakapag-asawa ng Korean national, ay makatutulong upang maisulong ang kagalingan at kapakanan ng mahigit sa 50,000 overseas Filipino worker (OFW) at mga Pinoy na naninirahan sa Seoul.

Nagkita sina Binay at Lee habang nakikipag-pulong ang Presidential Adviser for OFW Concern sa mga Filipino Community sa Seoul.

Dumalo rin si Binay sa Nuclear Security Summit bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon pa kay Binay, makatitiyak na ang mga Pinoy sa South Korea na maririnig na ang kanilang boses sa pag-upo ni Lee bilang isang mambabatas sa Korean parliament.

Tubong Davao City, naging naturalized Korean citizen si Lee noong 1998, tatlong taon makaraang mapangasawa nito ang namayapang si Lee Dongho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply