Pagkain ng seafoods, shellfish ibinabala

SA gitna ng tradisyunal na pag-iwas ng mga Katoliko sa pagkain ng karne tuwing Semana Santa, muling pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish o seafoods sa panahong ito.

Ito ay dahil sa anim na lugar sa bansa ang nakataas ngayon sa red tide alert ng BFAR na kinabibilangan ng Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos bay sa Zamboanga del Norte at Misamis occidental at Masinloc Bay sa Zambales.

Gayundin ang Bataan Coastal waters na sinasakop ng mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Kasama rin ang Matarinao Bay sa Eastern Samar at Coastal waters ng Bolinao, Anda at Alaminos sa Pangasinan.

Ayon kay Remedios Ongtangco , OIC ng BFAR, masyadong mataas ang paralytic poison sa mga nabanggit na karagatan kaya hindi ligtas na kainin ang shellfish at alamang mula sa mga nasabing lugar.

Puwdee naman aniyang manghuli ng isda, pusit at alimango pero kinakailangang linisin mabuti, alisan ng hasang at bituka bago lutuin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply