Pagkakapatay sa mangingisda inako ng US

HINDI ikinaila ng United States Embassy sa Manila ang kanilang responsabilidad sa naganap na sakuna sa karagatan na ikinamatay ng isang Filipinong mangingisda at malubhang ikinasugat ng anak nito sa isinasagawang RP-US Balikatan exercise sa bahagi ng Basilan.

Ayon kay Army Col. Ricardo Visaya, commander ng 104th Brigadeat Joint Task Force Basilan, namatay ang mangingisdang si Ahbam Juhurin, habang sugatan naman ang anak nitong si Abjul Juhurin nang mabangga ng speed boat ng mga Kano ang bangka ng mga biktima.

Nabataid kay Visaya na naganap ang sakuna bandang alas 7:00 ng gabi kamakalawa sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Hadji Mutamad, Basilan.

Sa report, agad sumaklolo ang mga sundalong Kano pero dahil sa bagok sa ulo ay hindi na nailigtas si Ahbam na agad dinala sa mosque ng Western Mindanao Command.

Sa isang mensahe, inamin ng embahada na nabangga ng kanilang tropa ang bangka ng mag-amang sina Abam at Abjul Juhurin  bagamat isang aksidente lamang ito.

Wala naman umanong planong magsampa ng kaso ang mga Juhurin laban sa mga sundalong Amerikano dahil tanggap nila na aksidente ang nangyari.

Napag-alaman na nagsasagawa ng Medcap o Medical Mission ang tropa ng mga Kano na kabilang sa 2012 RP-US Balikatan sa nasabing area ng Basilan  nang maubusan sila ng supply at medisina kaya nagrequest na makapaghatid sila ng kagaragdagang suplay ng gamot.

Habang pabalik na ang mga sundalong Kano kasama sa Special Forces regiment  sa Zamboanga ay nakasalubong nila ang maliit na bangka ng mga biktima at mabangga.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply