Pagkansela sa training programs ng PSC tinuligsa

TINULIGSA ng mga kritiko ang ginawang pagkansela ng Philippine Sports Commission (PSC) sa regional training program na idaraos sana sa iba’t ibang lalawigan.

Ayon sa mga source, ready na sana sa screening ang ilang opisyal para sa naturang programa subalit nagulat na lamang umano ang mga ito nang biglang ianunsiyo ni PSC chairman Richie Garcia na hindi muna ito isusulong.

Banggit ng isang source, may problema umano si Garcia sa ilang coaches na ide-deploy sana sa mga probinsya para sa nasabing programa.

“Bigla na lang daw ibinuro ang plano na pag-deploy sa 450 coaches dahil mamimili daw si chairman (Garcia) ng mga karapat-dapat na tao para rito,” wika ng isang source.

“Ang usap-usapan, may mga hindi raw gusto si Garcia na nakasama sa listahan ng mga isasailalim sa screening ng mga ide-deploy kaya hinarang niya ang programa.”

Samantala, sinabi naman ng isa pang source sa PSC na ayaw na umanong magkamali ng ahensya sa pagpili ng mga coach dahil sinasabing mahirap ang trabahong iaatang sa mga ito.

“Gagawing istrikto ang screening dahil matindi ang gagampanang tungkulin ng coaches kaya dapat magagaling talaga sila, lalo pa’t sila ang hahasa sa mga atletang isasama natin sa national team,” wika ng source.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply