Pagkaubos ng white sand sa Bora sisiyasatin

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malakayang ang iniulat ng Department of Environment and Natural Resources na nauubos na ang white sand o puting buhangin ng Boracay.

Ayon sa ulat ng DENR kamakailan, ang pagkaubos ng white sand ay dahil sa mga development project sa isla kung saan ilang mga resort at commercial establishment ang pumasok na sa tinatawag na “easement portion” o sa bandang bahagi na ng beach.

Nabatid din kay Environment Secretary Ramon Paje na may mga resort na ang nagtayo ng embankments upang mapigilan tubig-dagat na pumasok sa kanilang lugar.

Ilang bahagi na rin Bora ang nakararanas ng scouring o mayroong area na halos ubos na ang buhangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply