Paglilipat sa ‘U-turn slots’ agad tatapusin

TATAPUSIN agad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago pa man sumapit ang pasukan ang pagsasaayos at paglilipat sa mga “U-turn slots” na inilagay noon pang panahon ni dating Chairman Bayani Fernando na hindi na ngayon epektibo sa Kamaynilaan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na magbabawas sila ng bilang ng U-turn slots, habang ia-adjust at papalitan ang ilan para makasabay sa pagbabago ng trapiko ngayon sa Metro Manila.

May mga pag-aaral na ang marami sa U-turn slots na ginawa noon ay hindi na akma sa kasalukuyang trapiko dahil na rin sa kawalang-disiplina ng mga motorista.

Tiniyak naman nito na dadaan sa tamang proseso ang pagsasaayos sa U-turn slots at hindi bibiglain sa implementasyon ang mga motorista.

Samantala, maglalagay naman ang MMDA ng “courtesy lane” sa kahabaan ng Roxas Boulevard para sa mga delegado sa gaganaping Asian Development Bank 45th Annual Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City mula Mayo 2 hanggang 5.

Isang lane ng Roxas Boulevard ang ibibigay na ekslusibo sa mga delegado patungo sa PICC mula sa kanilang hotel, ito ay sa kabila ng mabigat na ring trapiko na nararanasan sa naturang kalsada kada-araw.

Tinatayang nasa 4,000 ministro at senior officials at business leaders ng iba’t ibang bansa ang inaasahang dadalo sa naturang pagpupulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply