Paglipat ni Pacquiao ‘di pinanghinayangan ng LP

HINDI nanghihinayang ang Liberal Party sa pagkuha ng United Nationalist Alliance (UNA) kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Binigyang diin ni Deputy Speaker Erin Tañada, tagapagsalita ng LP na hindi sila nanghihinayang na nakuha ng UNA si Pacquiao dahil karapatan naman aniya ng kahit na sino na pumili ng partidong sasamahan.

Paliwanag pa ni Tañada, walang problema sa LP ang paglipat ni Pacquiao sa UNA na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay mula sa dati niyang partidong Nacionalista dahil marami pa namang kandidato ang malalakas din ang hatak na magiging parte na kanilang grupo.

Aniya pa, inirerespeto rin nila ang desisyon ng pambansang kamao at sa huli ay sila din naman ang magkakatagpo-tagpo sa mundo ng pulitika.

Sa ngayon ay pinaplantsa na ang listahan ng mga tatakbong senator at iba pang local candidates sa LP at hindi muna sila magbabanggit upang hindi mapangunahan ang anumang desisyon ng selection committee.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply