Paglobo ng populasyon ‘asset’ – CBCP

IGINIIT ng isang Catholic bishop na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng populasyon ng bansa.

Ikinatuwa rin ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang ulat ng National Statistics Office (NSO) na aabot na sa 100 milyon ang populasyon ng mga Filipino sa pagsapit ng 2015.

Ayon kay Bastes, malaking biyaya ito para sa bansa lalo pa at maraming mga bansa ngayon ang tumatanda na o lumiliit na ang bilang nang kanilang populasyon gaya ng mga bansa sa Europa.

Paliwanag pa ng Obispo, kailan man ay hindi ito maituturing na banta o threat sa bansa dahil ang malaking populasyon ang magsasalba sa bansa sa kahirapan.

Kahit abutin pa aniya ng bilyong katao ang populasyon ng Pilipinas ay kaya itong itaguyod ng pamahalaan basta maipatupad lamang ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III at kanyang mga tauhan ng maayos ang ‘tuwid na daan.’

“I am very happy with that report! Let us have 200 million. A Filipino could afford even a billion according to many studies! It is not a threat but a joy because there are so many countries are dying and we are alive! So there is now a challenge for the government to implement daang matuwid. Kung walang kurap, walang mahirap, even 200 million Filipinos can really accommodate it to have a happy life! ” ayon pa kay Bastes.

Ganito rin naman ang pananaw ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso at sinabing kailanman ay hindi maituturing na pabigat sa isang bansa ang malaking populasyon, kundi isang ‘asset.’

Ayon  kay  Medroso, dapat magalak ang bansa sa biyayang ito ng Panginoon dahil ang malaking populasyon ang magpapaunlad sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply