Pagpa-file ng ITR inabot ng hatinggabi

INABOT hanggang kaninang hatinggabi ang pagpa-file ng Income Tax Return (ITR) sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City dahil sa maraming taxpayers na humabol sa huling araw ng filing.

Ayon sa BIR, kinailangan nilang i-extend ang oras para ma-accomodate ang mga taxpayer na humabol sa paghahain ng kanilang ITR na ang karamihan ay mula pa sa kanilang trabaho.

Ipinatupad pa rin ng BIR ang 25 percent surcharge sa mga hindi nakahabol sa deadline habang 20 percent naman sa interes.

Maaalalang sinabi na noon ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na hindi na sila magbibigay ng extension pagkatapos ng deadline.

Aniya, sapat na ang ibinigay na panahon para ayusin ng mga taxpayer ang kanilang mga bayaring buwis at ideklara ang kanilang tax information.

Kaugnay nito, nabatid na target ng BIR na makalikom ng P1 trilyon ngayong 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply