Pagpapa-subpoena kay de Lima haharangin

HAHARANGIN ng prosekusyon ang gagawing muling pagpapatawag ng depensa kay Justice Secretary Leila de Lima sa impeachment upang tumestigo na muling bubuksan sa Mayo.

Sa press conference, sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara, isa sa mga miyembro ng 11-man panel, maghahain ng pagtutol ang prosekusyon sa posibleng pag-subpoena kay de Lima dahil ito aniya ay magpapabagal lamang sa isinasagawang impeachment.

Aniya, nagkaroon naman ng pagkakataon ang depensa na i-cross examine si de Lima nang tumestigo noon sa panig ng prosekusyon.

Paliwanag ni Angara na hindi na kailangan pang ipaharap muli sa Senate Impeachment Court si de Lima dahil bahagi lamang aniya ito ng delaying tactics ng depensa ni Chief Justice Renato Corona.

Aniya pa, dapat noong una pa ay tinanong na ng depensa si de Lima kaugnay sa pag-iisyu ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) para makaalis ng bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapagpagamot sa sakit sa cervical spine.

Giit nito, nabigyan na ng sapat na panahon at pagkakataon ang defense team ni Corona para isailalim sa cross examination ang naturang kalihim.

Sinabi pa ni Angara na inihahanda na ng prosecution na kontrahin at maghain ng motion to quash ang apela ng depensa na tumestigo si de Lima.

Magpupulong naman aniya sa susunod na Linggo ang prosecution team upang mapag-usapan ang kanilang gagawing paghahanda sa gagawing presentasyon ng depensa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply