Pagpapalakas ng puwersa ng PCG patuloy

PATULOY ang pagpapalakas ng puwersa ng Philippine Coast Guard sa Panatag o Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG Commandant Edmund Tan, ang pagpapaigting ng operatiba ng PCG sa lugar ay mananatili habang hindi humuhupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi rin Vice Admiral Tan na hindi hadlang ang naturang tensyon upang maantala ang pagsasanay ng 250 na mga bagong recruit na sumasalang sa anim na buwang pagsasanay.

Pinangunahan mismo ni Vice Admiral Tan ang seremonya ng pagtanggap sa 210 lalaki at 40 babae sa Coast Guard Base sa Taguig City.

Ayon sa PCG chief, napagtagumpayan ng mga bagong recruit lang ang paunang pagsusulit upang sumalang sa mas matindi pang pagsasanay para maging ganap na miyembro ng PCG.

Sasabak sila sa mas matinding hamon tuwing may bagyo, search and rescue operation, oil spill, mga pirata, iligal na pangingisda at maging sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Nabatid rin kay Tan na sa kasalukuyan, sa laki ng sakop ng teritoryo ng bansa, kasama na ang binabantayang exclusive economic zone, ay hindi sapat ang 5,700 opisyal at mga tauhan ng PCG.

Nilinaw din ng pamunuan (PCG) na nananatili pa rin sa Panatag Shoal ang barko ng Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang panatiliing nakataas ang ating watawat sa lugar na inaangkin ng ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply