Pagpapasaklolo ng Pinas sa US oks sa Kamara

SUPORTADO ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. ang desisyon ng Malakanyang na magpasaklolo na sa United States (US) kaugnay sa patuloy na pag-angkin ng China sa Scarborough Shoal.

Giit ni Belmonte na ang patuloy na pagpasok at pag-angkin ng gobyerno ng China sa Panatag ang nagtutulak sa administrasyong Aquino upang magpasaklolo na sa mga kaalyadong bansa upang matiyak ang pagpapanatili sa seguridad ng Pilipinas.

Pabor din sina Basilan Rep. Jim Hataman-Salliman, Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, Ifugao Rep. Teddy Brawner-Baguilat, Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa paghingi ng tulong ng Pilipinas sa US.

Binigyang diin naman ni Teodoro, chairman ng House committee on legislative franchises na “government’s decision to seek US assistance is one of the most sensible actions that they have made.”

Sinabi naman ni Baguilat, chairman ng House committee on cultural minorities na ang paghingi ng tulong sa US ang tanging paraan ng Pilipinas upang sagupuin sa diplomasyang pamamaraan ang isang bansang katulad ng China.

Naniniwala naman si Batocabe, vice chairman ng House committees on cooperatives development at natural resources na mabuting solusyon ang paglapit ng Pilipinas sa US upang mapigilan ang anumang girian sa hinaharap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply