Pagpapatibay sa Domestic Workers Convention pinamamadali

PINAMAMADALI ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang pagpapatibay sa Domestic Workers Convention (C189) katulad umano ng ginawa ng International Labor Organization (ILO) para sa kapakanan ng mga domestic worker.

Ayon kay Manila Auxilliary Bishop Roderick Pabillo, chairman ng CBCP National Secretariat for Social Action Justice and Deed, kailangan nang madaliin ang nasabing batas upang mabigyan ng proteksyon ang mga domestic worker sa ibayong dagat,

Ipinaliwanag ng obispo, na ang pagpapatibay sa C189 ay tugon ng ILO para sa kapakanan ng mga domestic worker at mahalagang mabigyan sila ng pamahalaan ng sariling convention.

Batay naman sa pagtaya ng Visayan Forum Foundation, umabot na sa 600,000 hanggang 2.5 million ang bilang ng Filipino domestic workers.

Mahigit 50,000 Pinoy naman ang nangibang bansa noong 2008 para maging domestic workers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply