Pagsabog sa Palawan: 3 sugatan

SUGATAN ang tatlo katao makaraang pasabugan ang Puerto Princesa City at El Nido Palawan kahapon (Huwebes Santo).

Nabatid na sa Puerto Princesa, sinasabing inilagay ang pampasabog sa isang sako malapit sa isang gas station at bus terminal sa Barangay San Jose.

Isang babae naman ang namataang naglagay nito sa pagitan ng mga sako ng bigas at uling sa terminal ng Puerto Royale bus lines.

Sugatan sa insidente ang tricycle driver na si Cenon Magdayo, 75-anyos at ang pasahero nitong si Marivic Arias, 28-anyos na agad dinala sa ospital.

Samantala, sa isang basurahan naman sa harap ng mga cottage ng Entalula Beach Resort sa El Nido sumabog ang ikalawang bomba.

Kinilala ang nasugatan na si Aizagay Mallary, 23-anyos.

Tinatayang pasado alas-5:30 ng hapon naganap ang magkasabay na pagsabog.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply