Pagsasabatas sa RH bill ‘di pa kailangan – Gringo

KUMBINSIDO si Senador Gringo Honasan na walang puwang ang pagsasabatas ng Reproductive Health (RH) bill.

Sinabi ni Honasan na wala pang patunay na ang pagkakaroon ng malaking populasyon ng isang bansa ay nagiging ugat ng problema sa kahirapan at hadlang sa pag-asenso ng bansa.

“Magdahan-dahan at ingat tayo sa RH Bill dahil hindi pa kumpirmado na ang populasyon ang ugat ng kahirapan,”paliwanag ni Honasan.

Partikular na tinukoy ng senador ang bansang Japan at Singapore gayundin ang Hong Kong Administrative Region na kahit may malaking populasyon ay maunlad.

Umaasa naman si Honasan na uunlad pa rin ang Pilipinas kung magkakaroon ng “productivity, pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pinoy, pagkakaisa at bawas negatibong pamumulitika at disiplina”.

Sa datos na pinalabas ng National Statistics Office (NSO), pumalo na sa 92,337,852 ang populasyon ng Pilipinas noong 2010, base sa isinagawa nilang census of population and housing noong Mayo hanggang Hunyo 2010.

Lumalabas na nadagdagan ng 15.83 milyon ang populasyon ng bansa sa loob lamang ng sampung taon dahil noong 2000 ay 76.51 milyon lamang ang populasyon ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply