Pagsasapribado ng Agus-Pulangi power plants tinutulan

TINUTULAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Misamis Oriental ang plano ng gobyerno na isapribado ang Agus-Pulangi Hydro Power Plants.

Ayon sa mga opisyal ng lalawigan, sa pamamagitan ng isang resolusyon ay kanilang ipaaabot sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III, sa Kongreso at sa Senado, ang pagtutol nila sa pagsasapribado ng naturang hydro power plants.

Ani Vice Governor Noris Babiera na ang dalawang hydro power plants na ito ay makapagsu-suplay umano ng 55% sa kinakailangang power supply sa Mindanao kung mapananatili lamang ang full capacities nito.

Hindi pa rin aniya lugi ang gobyerno sa dalawang hydro power plants kaya nagtataka ang bise gobernador kung bakit ganoon na lang ang mistulang pagpupumilit ng gobyerno na maisapribado ito.

Naniniwala ang opisyal na may business interest ang gobyerno at ang private entity na makakabili sa hydropower plants.

Pinaniniwalaan na oras na maisapribado ang naturang hydropower plants ay maaaring tumaas ang singil ng kuryente na siya namang dagdag pabigat sa mga konsyumer dahil wala nang kapangyarihan ang pamahalaan na ito’y i-regulate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply