Pagsauli sa 36 pagong ikinatuwa ng DENR

NALULUGOD si Environment Secretary Ramon J. P. Paje sa ipinakitang pagkilos ng awtoridad sa Hong Kong na nagpabalik sa 36 pagong na iligal na inilabas sa Pilipinas.

“We are most thankful for the cooperation shown by Hong Kong authorities. The seizure and eventual repatriation of the smuggled 36 turtles will go a long way in strengthening the campaign against illegal wildlife trade within the region,” pahayag pa ni Paje.

Sa 36 na nasabat na pagong, 20 rito ay Philippine pond turtles (Siebenrockiela leytensis), ikinokonsiderang isa sa pinakanagkukulang nang lahi ng pagong sa buong mundo at matatagpuan lamang sa Palawan. Ikinategorya itong “critically endangered” ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN).

Ang natitirang 16 ay Malayan box turtles (Cuora amboinens), na nakakategoryang “vulnerable” sa Pilipinas kahit na natatagpuan din ito sa ibang tropical countries sa Southeast Asia.

Ayon kay Protected Areas and Wildlife Bureau Director Theresa Mundita Lim, ang parehong lahi ng pagong ay nasasakop ng Republic Act No. 9147, na kilala rin bilang Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

“Under the Philippine wildlife law, trafficking specifically of the Philippine pond turtles is punishable by a six-year prison term or a fine of up to a million pesos,” ani Lim.

Batay sa nakalap na datos sa tanggapan ni Lim ang mga nakumpiskang pagong ay bahagi ng cargo na sakay ng Cebu Pacific Airlines na lumipad paalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Pebrero 8, 2012.

“It was obvious that extra effort was taken by the Hong Kong airport and wildlife officers to have these turtles properly handled and processed pursuant to the provisions of Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES),” dagdag pa ni Lim na ipinaliwanag na ang China, kung saan special administrative region ang Hong Kong, ay isa sa mga 175 bansang lumagda sa CITES.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply