Pagsumbong ng DFA sa ITLOS oks sa M’cañang

SUPORTADO ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Foreign Affairs na isumbong at magpasaklolo na sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) upang solusyunan ang territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa Panatag (Scarborough) Shoal.

“We support the DFA’s position to bring the Panatag incident before the ITLOS (International Tribunal on the Law of the Sea) as part of our country’s diplomatic solution to the standoff,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte sabay sabing “it is in the best interest of all concerned to settle the issue through diplomatic means.”

Nauna rito, hinamon ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang mga opisyal ng China na dalhin ang usapin sa ITLOS.

“The whole world knows that China has myriad more ships and aircraft than the Philippines. At day’s end, however, we hope to demonstrate that international law would be the great equalizer,” ayon sa opisyal.

Ang ITLOS ay intergovernmental organization na nagpaplantsa ng territorial disputes sa pagitan ng mga bansa.

Sinabi ni Del Rosario na handang-handa na ang Pilipinas na dalhin sa international court sabay sabing “to ascertain which of us (China and Philippines) has sovereign rights over the waters surrounding the Scarborough Shoal.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply