Pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga ikinabahala

LUBOS na nababahala ang Zamboanga City health Office matapos na tumataas ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rodelin Agbulos, umaabot na sa 608 ang naitalang kaso ng dengue sa lugar simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Walo dito ang naitalang namatay na karamihan ay mga bata.

Bunsod nito, inilunsad ng lungsod ang isang anti-dengue campaign at cleanup drive sa mga barangay na pinagmulan ng mga nagkasakit.

Sinabi naman ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, na magpapadala ang kagawaran ng karagdagang tauhan upang umalalay sa local health unit sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply